Totoong tayo

Aking sinta
Naaalala mo pa ba ang dati nating pag-iibigan?
Sa gabing malalim
Mga usapang puro kulita't tawanan

Ikaw at ako ang magkasama sa mga alaala

Puwede bang kalimutan muna natin ang mundo
At hawakan mo ang kamay ko?
Magmahalan na walang iniisip na kung ano
Ipakita lang ang totoong tayo

'Di maiwasang ('di maiwasang)
Ipakita na wala tayong pakialam (sa buhay ng) sa buhay ng isa't isa
Huwag nang magpanggap pa (huwag nang magpanggap pa)
Kitang-kita na sa kilos mong kakaiba, oh, ako pa ba?

Ikaw at ako (ikaw at ako) ang magkasama (ang magkasama) sa mga alaala

Puwede bang kalimutan muna natin ang mundo (kalimutan muna ang mundo)
At hawakan mo ang kamay ko?
Magmahalan (magmahalan) na walang iniisip na kung ano (na kung ano)
Ipakita lang ang totoong tayo

Ikaw at ako ang magkasama sa sariling mundo
Totoo, totoong tayo

Puwede bang kalimutan muna natin ang mundo
At hawakan mo ang kamay ko?
Magmahalan na walang iniisip na kung ano
Ipakita lang ang totoong tayo