Ebe Dancel
Ang Probinsyano
[Intro: Gloc-9]
Kami'y Bicolano, Tausug, Davaoeño, Ilocano, Kapampangan, Boholano, Tyabakano, Caviteño, Panggalatok, Bisaya, Rizaleño, Batangueño, Waray, Maranao, Ilonggo at Zamboangeño
Iwasan mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila 'di mahalaga kung sa'n ako nagmula
Mali ka dahil 'yan ay hindi ko ikakahiya
[Chorus: Ebe]
Kahit ako ay probinsyano
'Di uurong kahit dehado
'Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
[Hook: Gloc-9, Ebe]
'Di aatras, 'di lulubog, 'di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan
[Chorus: Ebe]
Kahit ako ay probinsyano
'Di uurong kahit dehado
'Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
[Verse: Gloc-9]
Sya ay galing sa probinsya ang isa'y taga-Maynila
Nagsimulang lahat nang may buhay na tumila
Iisang wangis sa pangyayaring pambihira
Kailangang pasanin para lamang 'di masira
Ang iniwan at sinimulan
'Di takot kaninuman
Sa ngalan ng batas lakas ng tawag ay tutugunan
Habulin man ng bala, 'di nya alintana
Para sa tao na kapareho ng mukha nya
Kakambal, sa kanya sumandal
Kapag binunot mo ang bakal samahan mo ng dasal
Dahil 'di mo masasabi ang daan na tatahakin
'Pag kumilos ang gatilyo ng tinggang mula sakin
[Interlude: Gloc-9]
Kaya iwasan mong titigan ako pababa
Na parang turo ng mga mababang tuka
Tila 'di mahalaga kung sa'n ako nagmula
Mali ka dahil 'yan ay hindi ko ikakahiya
[Hook: Gloc-9, Ebe]
'Di aatras, 'di lulubog, 'di sumusuko anumang laban
Loob at labas, kahit madulas ay walang takot na lalakaran
Nagmamatigas, kahit marahas ay buong tapang walang alinlangan
Alagad ng batas, na syang tagalutas, na palagi mong maaasahan
[Chorus: Ebe]
Kahit ako ay probinsyano
'Di uurong kahit dehado
'Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano
[Outro: Ebe]
Kahit ako ay probinsyano
'Di uurong kahit dehado
'Pag sumipat asintado
Dahil ako ay probinsyano