[Verse 1]
Iba't ibang anino, pare-parehas ang anyo
Sari-saring kwartong bubukod sa isipan mo
Nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo?
Mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo, mm, oh
[Pre-Chorus]
Magdiriwang sa silid nakapikit, nakakubling magsasayaw
Wala ka nang matatanaw, bawat padyak hatid ay ligaw
[Chorus]
Lingid sa’yong mga mata, madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara
[Verse 2]
Tumatalukbong sa pekeng anyong
Mistulang pagong, ang sarili kulong
Halong sagot at tanong ang bulong
Ng taong puti o itim ang barong
Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa't isa animo'y anino
Magsusuot ng maskara, karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa’t isa animo'y anino niyang
Nagdarasal, nangungumpisal, magandang asal, gawaing moral
Silang maraming daldal, mga hinalal oh, mga hangal
[Instrumental Break]
[Bridge]
Nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan
Mga bula-bulaan nagsama sa isang dula
Wala ka nang magagawa, mabubura ang maskara
[Chorus]
Lingid sa'yong mga mata, madilim o maliwanag