Dilaw
Orasa - Live at Teatrino
[Intro]
Babalik ka rin, bali-baliktarin man ang orasang baso

[Verse 1]
Nakakasawa na, paulit-ulit na
Sumasakit ang ulo ko sa'yo (Ah, ah-ah-ah, ah)
Maghapong uupo, magbababad na lang sa telepono
Ubos na ang pansin, hindi pa rin ako kikibo (Ah, ah-ah-ah, ah)

[Pre-Chorus]
Bakit nasasabik na bumalik ka't makasamang muli
Mahagkan at mayakap ka nang mahigpit?
Ilang gabi na rin laging gising at 'di na mapakaling tabihan
At kumutan ka sa paghimbing

[Chorus]
Babalik ka rin, bali-baliktarin man ang orasang baso
Aatras ang kalendaryo
Babalik ka rin, babali-baliktarin na ang orasa natin
Umaatras na'ng kalendaryo

[Verse 2]
'Di ka kumikibo, 'di rin namamansin
Sumasakit na'ng ulo ko sa'yo
Sa telepono't nakababad ka't maghapong nakaupo
Nakakasawa ka, paulit-ulit-ulit na
[Bridge]
Bali-baliktarin man, oh, bali-balikuin ang lahat sa'kin
Ka pa rin hirang ko lalambing
Ilang gabing lutang, laging lasing at 'di na mapakali
Masabihan ka ng, "Goodnight, baby"

[Chorus]
Babalik ka rin, bali-baliktarin man ang orasang baso
Aatras ang kalendaryo
Babalik ka rin, bali-baliktarin man ang orasang baso
Aatras ang kalendaryo

[Outro]
Nakakasawa na, paulit-ulit na
Paulit-ulit sumasakit ang ulo ko sa'yo
Sa'yo, sa'yo
Paulit-ulit sumasakit ang ulo ko sa'yo
Oh, oh
Paulit-ulit-ulit na (Paulit-ulit sumasakit ang ulo ko sa'yo)