December Avenue
Kung ’Di Rin Lang Ikaw
[Verse 1: Zel Bautista, Moira Dela Torre]
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa

[Pre-Chorus: Zel Bautista]
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw

[Chorus: Zel Bautista, Moira Dela Torre]
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

[Verse 2: Moira Dela Torre, Zel Bautista]
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas ng hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw, ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sa'ting dalawa?

[Pre-Chorus: Moira Dela Torre]
Bumibitaw, dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw?
[Chorus: Zel Bautista, Moira Dela Torre]
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

[Bridge: Both]
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw

[Chorus: Both, Zel Bautista]
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

[Outro: Zel Bautista, Moira Dela Torre]
(Kung 'di rin tayo sa huli)
Kaya bang umibig ng iba?
(Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?)
(Kung 'di rin tayo sa huli)
Papayagan ba ng puso kong ibigin ka?
(Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?)