December Avenue
Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Ng Taon Official Soundtrack)
[Verse 1]
Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa t'wing ako’y papalapit sa'yo
Maaari bang hingin ang iyong kamay?
Hawakan mo't ’wag mong bitawan

[Verse 2]
Hindi mapigil ang tibok ng aking puso
Sa t'wing ako'y nakatingin sa'yo
Maaari bang 'wag kang humiwalay?
Dahil sandali na lang

[Pre-Chorus]
Darating din ang gabing walang pipigil sa'tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

[Chorus]
Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na ika’y magiging akin

[Verse 3]
Hindi matigil ang gulo sa aking isip
At para bang walang kasing sakit
Alaala mong hindi ko malimutan
Oras lang ang may alam
[Pre-Chorus]
Kung darating din ang gabing walang pipigil sa’tin
Kung hindi ngayon, aasa bang maibabalik ang kahapon?

[Chorus]
Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana’y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa'tin

[Bridge]
At sa bawat minuto, ako'y 'di natuto
Ipilit mang iba, ako’y maghihintay sa'yo
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?

[Chorus]
Kahit sandali
Palayain ang pusong 'di mapigil
Sana'y tayong dalawa sa huling pagkakataon
Na hindi na para sa'tin

[Outro]
Kahit sandali
Patawarin ang pusong 'di tumigil
Para sa'ting dalawa ang maling pagkakataon
Na ika'y magiging akin