A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

Klarisse de guzman

"Sana'y Tumibok Muli"

Paano ba pipilitin?
Paano ba gigisingin?
Isang natulog na at nasawing damdamin
Nais ko mang buhayin
Pag-asang mithi pa rin
Bakit ayaw ngumiti
Nitong aking damdamin?
Paano ba sasabihin, na wala ng pagtingin
Kahit aking pilitin puso'y namamanhid pa rin
Ano kaya ang gagawin, ng pusong sawa na rin
Ngayong bumabalik ka na'y
Walang maramdaman giliw…

‘Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka
Ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga
Pag-ibig na laan sa'yo…
Sana...

Bakit ba pipilitin?
Ano ang aking gagawin?
Pagmamahal sa iyo dati'y
Hindi naman pinapansin…

‘Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka
Ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga
Pag-ibig na laan sa'yo…
Sana...

Ngunit kung dumating ang panahong gumising na
Nananahimik na damdamin
Ay muling buksan pa...
Sana ay naghihintay ka pa rin sa akin sinta
Kasi nama'y alam mo ring
Minahal kang...
Talaga...

‘Pag tumigil ang tibok ng puso kong bigo
Pilitin ko mang ibigin ka
Ay hindi ko na kaya
Bakit kasi sinaktan mo ako ng labis labis
Ngayo'y wala na nga
Pag-ibig na laan sa'yo…
Sana...

Sana'y tumibok muli…
Ang puso kong ito… Sana...

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


All lyrics are property and copyright of their owners. All lyrics provided for educational purposes and personal use only.
Copyright © 2017-2019 Lyrics.lol