Moira Dela Torre
Papahiram
[Verse 1: Moira Dela Torre]
Iwanan mo munang saglit
Lahat ng 'yong tampo at galit
Sa mundo, sa gulo at sarili
Halika dito't saki'y tumabi
Sumandal sa pagmamahal

[Chorus: Moira Dela Torre]
Papahiram ko sa iyo ang aking dalawang mata
Para malaman mo kung pa'no kita nakikita
Maging ang puso ko, kapalit ang nasa sa 'yo
Para maramdaman at mabura
Ang mga agam-agam na hindi kailangan, oh

[Verse 2: Moira Dela Torre, Johnoy Danao]
Hindi man kaaya-aya ang ngayon
Lahat ng bagay ay may'rong rason
Dahilan, hindi mo maintindihan
Ang langit, pwede mong matakbuhan
Sumandal sa pagmamahal
Ang pag-ibig ko ay 'di bulag

[Chorus: Moira Dela Torre & Johnoy Danao]
Papahiram ko sa iyo ang aking dalawang mata
Para malaman mo kung pa'no kita nakikita
Maging ang puso ko, kapalit ng nasa sa 'yo
Para maramdaman, nilalaman
[Post-Chorus: Moira Dela Torre & Johnoy Danao]
Buburahin natin ang, ang mga 'di kailangan
Papalitan natin ang kahulugan ng buhay

[Chorus: Moira Dela Torre & Johnoy Danao, Moira Dela Torre]
Papahiram ko sa iyo ang aking dalawang mata (Papahiram ko sa iyo)
Para malaman mo kung pa'no kita nakikita
Maging ang puso ko, kapalit ng nasa sa 'yo
Para maramdaman, nilalaman
Ang mga agam-agam na hindi kailangan, oh

[Post-Chorus: Moira Dela Torre & Johnoy Danao]
Buburahin natin ang, ang mga 'di kailangan
Papalitan natin ang kahulugan ng buhay
Buburahin natin ang, ang mga 'di kailangan
Papalitan natin ang kahulugan ng buhay

[Outro: Johnoy Danao, Moira Dela Torre]
Kahulugan ng buhay
Papahiram ko sa iyo ang aking dalawang mata
Para malaman mo
Maging ang buhay ko'y sa 'yo ibibigay