Moira Dela Torre

"Yakap"

Sa dinami rami ng mga araw na
Hinihintay na makasama ka
Di maikubli ang sabik sa aking mata

At hawak ko'ng pangarap ko
Tuwing ika'y kapiling ko
Ngayong pasko, ika'y yayakapin ko

Sa piling mo lamang aking naramdaman
Pag-ibig na walang hanggan
Isang daang pagkakataon ang susulitin ko
Sa yakap mo ngayong pasko

Malamig daw ang simoy ng hangin at lalo pang nasabik
Nang naamoy ko na ang 'yong pagbalik
Maglalaho ang mga nasabi ngunit di ang napadama

Hinding-hindi magbabago
Na ikaw ang tanging regalo
Pasko, pasko, hanap ang yakap mo

Sa piling mo lamang aking naramdaman
Pag-ibig na walang hanggan
Isang daang pagkakataon ang susulitin ko
Sa yakap mo ngayong pasko
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #


Copyright © 2017-2020 Lyrics.lol