Moira Dela Torre
Paubaya
[Verse 1]
Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat?
Ba't di mo sinabi nung una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal

[Verse 2]
Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

[Chorus]
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
'Wag kang paluhain at alagaan ka niya

[Verse 3]
Saan natigil ang pagiging totoo?
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siya

[Chorus]
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain, at alagaan ka niya
[Bridge]
Ba't 'di ko naisip na merong hanggan?
Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas

[Chorus 2]
At kita naman sa'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, pinapaubaya

[Outro]
Pinapaubaya ko na sa Kaniya