Moira Dela Torre
Pangako (Main Version)
[Verse 1]
Bakit ba may lungkot sa'yong mga mata?
Ako kaya'y 'di nais makapiling, sinta
'Di mo ba pansin ako sa'yo'y may pagtingin?
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin
[Pre-Chorus]
Ako ngayo'y hindi mapalagay
'Pagkat ang puso ko'y nalulumbay
Sana ay pakaingatan mo ito
At tandaan mo ang isang pangako
[Chorus]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama
[Verse 2]
Ano itong nadarama ko?
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sa'yo
Sa t'wing kasama ka'y anong ligaya
Sana sa akin ay magtiwala
[Pre-Chorus]
Kung tunay man ang nadarama mo
Mayro'n akong nais malaman mo
Ang aking puso ay iyong-iyo
'Wag sanang lumimot sa pangako
[Chorus]
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Pangako, hindi kita iiwan
Pangako, 'di ko pababayaan
Pangako, hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa
Ang magkasama
[Outro]
'Di kita iiwan