Neil Sedaka
Hindi Magawang Limutin Ka
[Verse 1]
Ang akala ko'y lumipas ang nakaraan
At ika'y isang magandang alaala lang
Ngunit bakit ko pangarap ang iyong halik
At madama ang mga yakap mo kahit saglit?
Ba't 'di ko magawang limutin ka?
[Chorus]
Hanap ko'y mapaglarong pagmamahal
Hindi kita malimutan, kahit puso ko'y sinaktan
'Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka, saan mang dako magpunta
[Verse 2]
Ikaw lang ang nasa isip sa bawat saglit
At ikaw rin ang napapangarap sa aking pag-idlip
Wala na bang ligayang darating sa 'king daigdig?
Laging hahanapin naglaho mong pag-ibig
Ba't 'di ko magawang limutin ka?
[Chorus]
Hanap ko'y mapaglarong pagmamahal
Hindi kita malimutan, kahit puso ko'y sinaktan
'Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka, saan mang dako magpunta
[Bridge]
La, la, la
La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la-la-la
[Outro]
'Di ko na magagawang limutin ka
Tuwina ay alaala ka, saan mang dako magpunta