Various Artists
Handog Ng Pilipino Sa Mundo
[Verse 1]
Di na 'ko papayag mawala kang muli
'Di na 'ko papayag na muling mabawi
Ating kalayaang kay tagal na natin mithi
'Di na papayagang mabawi muli
Magkakapit-bisig libo-libong tao
Kay sarap pala maging Pilipino
Sama-sama, iisa ang adhikain
Kelan man 'di na paalipin

[Chorus]
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

[Post-Chorus]
Mag sama-sama tayo, ikaw at ako

[Verse 2]
Masdan ang nagaganap sa aming bayan
Nagkasama ng mahirap at mayaman
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo
Naging langit itong bahagi ng mundo
Huwag muling payagang umiral ang dilim
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin
Magkakapatid lahat sa Panginoon
Ito'y lagi nating tatandaan
[Chorus]
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

[Chorus]
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

[Chorus]
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat

[Outro]
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago