Dapat Pa Ba?

from Daryl Ong (2015)
Nalimot na nga ba ang ating pangako

Na tayo'y magsasama sa hirap at ginhawa

Ating tinapon tamis ng kahapon
Tiwala'y naglaho, kaya pa bang magbago



Ito pa ba'y dapat ipaglaban

Kung tayong dalawa ay nasasaktan lang

Alipin ng ating nakaraan



Dapat pa bang ipaglaban ang ating nadarama

Dapat na bang limutin at humanap ng iba

Puso'y nahihirapan ng hanapin ang saya

Dapat pa bang ibigin ka?

Dapat na bang limutin na?



Tayo pa nga ba ang para sa isa't isa

Kay daming pag-ibig ang pinalipas na



Pilit binubuhay ang pag-asa

Sa puso nating siyang naglaho na

Siguro nga tamang sumuko na



Bakit pinaglalaban pang ating nadarama

Bat di na lang limutin at humanap ng iba

Puso'y nahihirapan ng hanapin ang saya

Dapat pa bang ibigin ka?

Dapat na bang limutin



Ang bawat yugto't kwento ng ating pagsasama

Ay tila nandito na sa huling pahina

Ang masayang pagwawakas ng pag-ibig na wagas

Ay nalimot at ating pinalagpas



Dapat pa bang paglaban ang ating nadarama

Dapat na bang limutin at humanap ng iba

Puso'y nahihirapan nang hanapin ang saya

Dapat pa bang ibigin ka

Dapat na bang limutin, limutin na

Dapat pa ba?

More from Daryl Ong (2015)

More by Daryl Ong

All Daryl Ong songs →