Darna, Ikaw Na

Kay tagal kita na hinahanap

Makapiling kahit sa pangarap

Ang sarili ay kinakausap
Makasama mo sa bawat paglipad



Bakit ba hindi ko maiwasan?

Na hagkan hagkan ang iyong larawan

Bawat sandali ko’y laging kulang

Pag ikaw ay hindi ko na namamasdan



Darna, maari bang ikaw na

Ang siyang maging prinsesa

Na kapiling ko kahit na kailan pa

Sana, gabi hanggang umaga

Ikaw ang siyang kayakap

At ang pagmamahal sayo’y padarama



Ang puso ay bigyan mo ng pag-asa

Sa akin ang pinto ay buksan sana

Kung mawawala ka’y di ko kaya

Na ang pag-ibig mo’y ibaling sa iba



Bakit ba hindi ko maiwasan?

Na hagkan hagkan ang iyong larawan

Bawat sandali ko’y laging kulang

Pag ikaw ay hindi ko na namamasdan



Darna, maari bang ikaw na

Ang siyang maging prinsesa

Na kapiling ko kahit na kailan pa

Sana, gabi hanggang umaga

Ikaw ang siyang kayakap

At ang pagmamahal sayo’y padarama



Woahhhh…

Sa paglipad isama mo ako



Darna, maari bang ikaw na

Ang siyang maging prinsesa

Na kapiling ko kahit na kailan pa

Sana, gabi hanggang umaga

Ikaw ang siyang kayakap

At ang pagmamahal sayo’y padarama

More by Daryl Ong

All Daryl Ong songs →